I HAVE MET GRACE

If GOD's 1 Glory brings me 10x suffering...
THEN SO BE IT.

(triple the 10!)

because of his GRACE, i became new.
Theme by Go-Crazy.

Crush pa rin ata kita. Pero, ayoko.
Masasaktan ako ulit eh. At nangako na ako.
Paano kung tinanggal sayo ang pag tutog, Magpapatuloy ka pa ba?
Paano kung tinanggal sayo ang pag arte, Magpapatuloy ka pa ba?

MINISTRY.

it is an act of serving people and God, inside and outside the church community, in a way that the Lord is being Glorified.Pero paano kung ang Ministring kinabibilangan mo ay INALIS sayo ng DIYOS?MAG PAPATULOY KA PA BA?

Paano kung tinanggal sayo ang pag kanta?Paano kung tinanggal sayo ang pag tuturo sa mga bata?Paano kung tinanggal sayo ang pag kamay sa mga bisita?Paano kung tinanggal sayo ang pag lilinis?ang pag luluto? ang pag gawa ng video presentations?ang pag sulat ng tula o iskrip? ang pag guhit?Paano kung tinanggal sayo ang mga bagay na nakasanayan o gustong gusto mong gawin para sa Diyos?
MAG PAPATULOY KA PA BA?

Paano kung hindi ka na masaya sa mga taong kasama mo?kung may kagalit ka at hindi mo siya mapatawad?Paano kung naiinis ka sa iyong Pastor o Lider hindi dahil sa maling doktrinang tinuturo niyakundi dahil lang sa hindi niya nagawa ang pabor na hinihingi moo dahil sa hindi mo siya makuhang suhulin gamit ang iyong ikapu?Paano kung meron kang nautangan o meron kang napa utang? at hindi ka pa nito nababayaran okaya naman IKAW ang hindi pa makapag bayad?Paano kung ang Kabiyak mo, ay kabiyak rin pala ni Brader?Paano kung hindi mo tipo ang kinakanta nila?Paano kung naging sentro ka ng makakating tsismis?

Paano kung isang pangyayari ang pinabuhat sayo?Tatalikuran mo ba ito at aalis ka? o MAG PAPATULOY KA?

Malamang hindi natin kakayanin kung ating susumahin ang kadalasang problema ng tinatawag na “KATAWAN NI KRISTO”.Pero, nakakalungkot dahil ito ang katotohanan.at dapat natin itong tingnan. tingnan hindi para manghina. kundi para mas lumakas. para matuto. para kumilos na naayon sa tama sa pag dating ng kanyang pagkakataon.at MAG PATULOY SA PANANAMPALATAYA.

at paano kung dumating man ang pagkakataong na tanggalin sayo ng DIYOS ang mga bagay na nakasanayan o gustong gusto mong gawin para sakanya?MAG PAPATULOY KA PA BA?

Magpapatuloy ka pa bang pumunta twing Linggo kahit hindi mo na ginagawa ang mga kadalasan mong ginagawa sa araw na yun? Pipiliin mo pa rin bang tumulong kahit na hindi ito yung nakasanayan mo?Si Kristo pa ba ang SENTRO? o baka ang MINISTERYO na ginagawa mo?

Paano kung tinanggal sayo ang pag tutog, MAG PAPATULOY KA PA BA?
Paano kung tinanggal sayo ang pag arte, MAG PAPATULOY KA PA BA?

*wakas.

PS - kailangan parin nati’ng matamaan para tayo’y lumago.

HUNI - PSALM 139

"O Lord, You have searched me and known me." (v1)

- KILALA MO AKO. alam mo ang buong pangalan ko. saan ito nag-mula. sinong nag-pangalan saakin. ilang taon ako. anong kulay ko. kahinaan ko. kalakasan ko. kaligayahan ko.kung saan ako alergic. kung kailan ako mag-kakasakit.

ang buong ako. ALAM MO. wala ni isang detalye sa buhay ko ang hindi mo alam.

ALAM MO LAHAT.

"You know when I sit down and when I rise up; You understand my thought from afar."(v2)

- ang maliliit na detalye ng buhay ko kagaya nalang nag pag-upo, pag-tayo, pag-gising, pag-tulog pag-idlip. ALAM MO.

naiintindihan at nalalaman mo ang lahat ng tumatakbo sa utak ko: gutom. pagod. pait. saya. pighati. inis. kilig. gulat. lungkot. kilabot.

ALAM MO LAHAT.

"You scrutinize (check) my path and my lying down,

And are intimately acquainted (familiarized) with all my ways.” (v3)

- ALAM MO ANG LAAAHHHAAAATTT ng KILOS at GALAW ko.

mannerism. habit. kung paano ako mag-bihis. paano ako mag-timpla ng kape.

paano ako mag-aral. paano ako mag-luto. paano ako mag-salita.

paano mag-basa. anong mga hilig at ayaw ko. kung saan ako mas maddaling ma-tempt.

kung saan ako mas 

"Even before there is a word on my tongue,

Behold, O LORD, You know it all.” (v4)

- bago ko pa mabuo ang pangungusap sa isipan ko, naibuo mo na to.

alam mo kung anong sasabihin ko. kung paano ko ito sasabihin. at anong nararamdaman ko habang sinasabi ito.

maski anong sasabihin ko sa text or status. kung anong isusulat ko at kailan ko ito isusulat.

alam na alam mo kung kailan ako makiki pag-usap sa isang tao at kung hindi.

alam mo kung kailan ako makakapag-salita ng hindi maganda at kung kailan ko upurihin ang isang bagay.

alam mo rin kung kailan kita kakausapin. alam mo kung kailan kita aawitan. kukuentuhan.

lalabasan ng sama ng loob. pasasalamatan. hihingan ng tawad.

ALAM MO LAHAT.

"Where can I go from Your Spirit? Or where can I flee from Your presence? 

If I ascend to heaven, You are there; If I make my bed in Sheol, behold, You are there. 

If I take the wings of the dawn, If I dwell in the remotest part of the sea,

Even there Your hand will lead me, And Your right hand will lay hold of me.” (v7-10)

- tumakbo man ako kagaya ng ginawa ni Forest Gump sa palabas. lumabas man ako ng planeta.

sumisid man ako sa kailali-laliman ng dagat hanggang sa makakita ako ng Octopus…

ANDUN KA.

sa bahay. kweba. kalsada. eskwelahan. opisina. simbahan. probinsya. ciudad.

mahihirapan akong isa isahin ang sulok ng pook rito sa Pilipinas at ng buong kalawakan… basta ang alam ko.

ANDUN KA.

at abutan man ako ng katakot-takot na delubyo sa buhay ko saang lugar man ako mapadpad,

nariyan ka hindi para pag-tawanan at kutyain ako

kundi para HAWAKAN at YAKAPIN ako at sabihin… “TAHAN NA ANAK, ALAM KO. NAIINTINDIHAN KO. ANDITO NA AKO.”

.

.

.

GRABE…

ALAM MO LAHAT.

(v14)I will give thanks to You, for I am fearfully and wonderfully made;

Wonderful are Your works, And my soul knows it very well. 

(v15)My frame was not hidden from You,     When I was made in secret,     And skillfully wrought in the depths of the earth; 

(v16)Your eyes have seen my unformed substance;

And in Your book were all written.

The days that were ordained for me,     When as yet there was not one of them. 

(v17)How precious also are Your thoughts to me, O God! How vast is the sum of them! 

(v18)If I should count them, they would outnumber the sand. When I awake, I am still with You.

(v23)Search me, O God, and know my heart;

Try me and know my anxious thoughts; 

(v24)And see if there be any hurtful way in me,

And lead me in the everlasting way.

dito mo makikita…

dito mo makikita…

dito kung saan pili lang ang nakakatagpo…

dito kung saan pili lang ang nakakatagpo…

few examples of GRACELESS CHRISTIANS:

- people complain they “got nothing out of the service” because the worship leader did not schedule any of their favorite hymns.

- Members angrily leave the church because the pastor changed the format of the service.

- Believers become resentful toward God because He did not answer their prayers the way THEY WANTED HIM TO. (awwcchh… O.o)

- People leave the church auditorium promptly at the 12:00pm hour whether the pastor is finished or not.

- Church leaders are SLANDERED by PEOPLE who have been “OVERLOOKED” for prominent positions. (nako po…)

- TWO CHRISTIANS REFUSE TO FORGIVE ONE ANOTHER. (>_<)

- Members leave the church because the pastor TALKS TOO MUCH ABOUT GIVING.

- Christian parents refuse to speak to their adult son or daughter because he or she did not heed their advice.

(Emphasis mine)

RICHARD BLACKABY

Kilala mo ba Siya?

Grasya. Kilala mo ba siya?

Simula ko siyang makilala nung panahong walang wala ako.
Nung panahong Bankrupt ang buhay ko. Simula ng maloko ako ng ahente ng mundo.
Simula ng matagpuan ang sariling naka-kabit na sa ugat ng puno ng kasalanan.
Grasya. Dun ko siya nakilala.

Buong lakas niya akong niyakap.
Sa mga mata niya’y kitang kita ko ang lupit ng pag-ibig na nag-aantay sakin.
Ngunit… Heto ako… Nag-aatubili.

Bakit ako?
AKO na marungis. Isang basahang paulit ulit na nginungudngod sa dumi at latak na hindi malinis linis.
Ako na hindi makitaan ng liwanag dahil sa simula pa lang ay nakatira na sa yungib ng kadiliman - isang yungib na walang nakakatagpo.

Buong lakas niya akong niyakap - ako na walang lakas para ipaglaban ang sarili.
Buong lakas niya akong niyakap - ako na pakonti konting nilulusaw ng kamatayan at kawalan ng pag asang mabuhay.
Katahimikan. Mahigpit na yakap ng pag tanggap - kahit hindi katanggap tanggap.
Katahimikan. Oo.
Ni tinig ng Pangungutya o tinig ng paninisi… Hindi ko narinig.
Awit ng kapatawara’y aking nasaksihan. Kahit na ako ay sumasayaw sa kasalanan.
Regalo. Oo.
Ang pagkakakilala ko sakanya’y isang regalo. alam niyang bankrupt ang buhay ko kaya’t walang bayad niyang ipinadama ang Pag-asang ngaun ko lang nakilala.
Kapatawaran. Kalayaan. Kapahingahan.
Sila ang kasama ng Grasyang nakilala ko. Ito na rin ang nag-dala saakin para magpatuloy, hindi sa dating buhay na meron ako, kundi sa buhay na nilinis, binago at pinalitan ng Panibagong Puso.
Grasya. Diyan ko siya nakilala.

Ikaw? Nakilala mo na ba siya?

I know that you are FOR ME.

I know… I KNOW.

AWITING HINDI NARIRINIG NG TENGA.

GRASYA.

alam mo na ba ang tono nito?

napakinggan mo na ba ang MUSIKANG napapaloob rito?

abutan man ng gutom, hindi na bali.

dahil tiyak na mas mabubusog sa walang hanggang salita binitawan niya.

wala ma’ng bagong damit, hindi na bali.

dinamitan naman bagong buhay at pinalamutian ng pag-asa.

talikuran man ng kaibigan, hindi na bali.

sakanya nama’y meroong walang hanggang pag-kakaibigan.

PEKS MAN, MAMATAY MAN… ANG ATING KATAWAN.

habulin man ng dilim ng kalungkutan, hindi na bali.

sapagkat sa katahimikang meron sa labas,

meron namang AWIT na nagliliwanag at nag-bibigay ng PURONG ligaya.

ika-ila man ng kabiyak, hindi na bali.

dahil siguradong malalasahan mo ang TAMIS kesa sa PAIT

kung nanaisin mo lang mag-titiwala.

Ang maging LAOS para sa USO sa mga tao, hindi na bali.

tiwala namang ang buhay kasama siya’y  HINDING HINDI MALALAOS.

darating rin ang panahon na ang USO para sa tao, LALAOS rin sa PANGINOON.

LUHANG parang batis at DAMDAMING parang BATO, hindi na bali.

itaas mo lang ang puting bandila. HINTO. SUKO. AWA niya’y WALA NG TUTULAD.

ito ang AWITING hindi naririnig ng TENGA.

walang NOTA.

walang bilang.

walang INSTRUMENTO.

at wala ring BOSES.

ni hindi mo rin makikitang INAAWIT ng mga LABI.

pero ito ang AWITING kumakalembang sa PUSO.

merong sinusundang melodya.

may DAHILAN.

at meron ring LINYA para SUNDAN.

ang AWITING hindi KOMPOSISYON ng SUMULAT…

kundi KOMPOSISYON ng LUMIKHA sa MANUNULAT.